9/2025 Bhutan Pista ng Thimphu Tshechu
Ginaganap ang Pista ng Thimphu Tshechu bawat taon sa Thimphu, kapitolyo ng Bhutan. Nag-aakit ito ng mga mamamayan at madaming tao mula sa iba’t ibang lugar sa mundo na magkasamang nagdiriwang ng pista. Sa pagdiriwang na tatlong araw, nagbibigay ng papuri sa mga turo ng dakilang monghe na si Padmasambhava at paggunita sa kanyang espirituwal na pamana. Sa panahon ng pista, nagsasayaw ng magkakaibang uring sayaw ang lahat at isasagawa ang seremonyang naglalahad ng 8 pagkakatao ni Padmasambhava. Hindi lamang seremonya sa relihiyong Budismo ang kasali sa aktibidad, ibinuklod na rin ang tradisyonal na kultura at sining ng Bhutan. Ang sayaw ng mga maskara ang isa sa mga kakaibang aktibidad sa Pista ng Thimphu. Nagsusuot ng mga matitikas at eleganteng damit at makukulay na maskara ang mga mananayaw. Kadalasan, ang kanilang mga sayaw ay nagsasaad ng mga kuwento at doktrina sa Budismo, kabilang ang kuwento ng walong pagkakatao ni Padmasambhava (Guru Rinpoche). Pagkakataon rin ang pista para sa pag-uugnayan ng mga lokal na mamamayan. Ang mga lalaki ay nagsusuot ng Gho, ang kanilang tradisyonal na kasuotan, at ang mga babae ay nagsusuot ng Kira sa pagtitipon, pagbabahagi ng pagkain at sa pagdiriwang nitong mahalagang pista. May pagkakataon din sumali ang mga turista sa mga aktibidad ng mga lokal na mamamayan. Isa sa mga pinakagustong pista ng mga mamamayan at ng mga turista ang Pista ng Thimphu Tshechu at tiyak na mag-iiwan ng malalim na impresyon matapos maranasan ang selebrasyon.

![我的E政府 [另開新視窗]](/images/egov.png)
